BI Source: BI

Mga biyahero pinaalalahanan na magtungo sa paliparan 3 oras bago biyahe

Jun I Legaspi Dec 23, 2024
14 Views

NAGPALABAS ang Bureau of Immigration (BI) ng paalala sa mga biyahero patungong ibang bansa ngayong holiday season na magtungo sa mga paliparan tatlong oras bago ang kanilang biyahe upang maiwasan ang congestion.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pinaghandaan na nila ang inaasahang haba ng pila sa mga immigration counters upang mabawasan ang paghihintay.

“We urge passengers to check in early and proceed directly to immigration for clearance. This will help ensure a more relaxed travel experience and prevent unnecessary delays, ” pahayag ni Viado.

Ginawa ng BI ang paalala sa gitna ng inaasahang pagtaas ng international travelers ngayong holidays.

Sinabi ni Viado na naranasan sa mga nakalipas na panahon na dagdag sa problema ng congestion ang matagal na immigration clearance.

Pinaalalahanan din ng BI ang mga pasahero sa karagdagang documentary requirements.

Ang mga foreign tourists na nananatili sa bansa ng mahigit anim na buwan gayundin ang mga registered foreigners with ACR I-Cards, ay pinapayuhang kumuha ng clearances nang advance sa anumang BI’s district, field, satellite, o extension offices.

Sa urgent needs, nananatiling bukas ang BI’s NAIA One-Stop Shop saTerminal 3.
Pinaalalahanan din ni ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno na kumuha ng kinakailangang authority to travel abroad.

Ang mga minor na kaaama ng kanilang mga magulang ay dapat na may clearance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).