Calendar
ERC pinagmumulta NGCP ng P15.8M dahil sa naantalang mga proyekto
PINAGMUMULTA ng halagang P15.8 milyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng hindi makatwirang pagkaantala sa 34 sa 37 proyekto nito.
Ito ang inihayag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa ginanap na briefing ng House committee on legislative franchises noong Lunes.
“We investigated 37 delayed projects. As required by due process, we required NGCP to submit their explanation,” ayon kay Dimalanta.
“Out of the 37 delayed projects, we found that there were unjustified delays for 34 projects,” saad pa ni Dimalanta.
Ipinaliwanag ni Dimalanta, ang mga multa ay nakabatay sa itinakdang iskedyul na penalty ng ERC.
“The first two instances of penalties are only penalized, I think, at P100,000 per violation and then the succeeding ones are at P500,000. So there was a graduation of penalties,” aniya.
Nangangamba naman si Parañaque City Rep. Gus Tambunting, chairperson ng House committee on legislative franchises, na hindi sapat ang mga multa kumpara sa naging epekto ng mga pagkaantala ng proyekto sa ekonomiya.
“That’s averaging around P500,000 per project? How were the fines established? Is it a fixed rate?” tanong ng mambabatas sa ginanap na pagdinig.
Inamin ni Dimalanta na hindi sapat ang multa dahil sa laki ng epekto ng delay sa ekonomiya.
“The cost of these penalties couldn’t really be compared to the cost of the delays, but we are bound by the schedule of fines and penalties which capped it at P500,000,” pahagay niya.
Ayon kay Dimalanta, bagamat nakapagbayad na ang NGCP ng multa, ilan sa mga ito ay ginawa ng kompanya under protest.
Sa pagdinig, ipinagtanggol ni Leonor Felipa Cynthia Alabanza, assistant vice president at pinuno ng public relations ng NGCP, ang mga hakbang ng kompanya, at ikinatwiran ang mga hadlang sa regulasyon at mga panlabas na aspeto bilang mga dahilan ng mga pagkaantala.
Tinuturing ng maraming kritiko ang mga pagkaantala sa mga mahahalagang proyektong imprastraktura na may malalaking epekto sa seguridad ng enerhiya at katatagan ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan na ang mga natuklasan ng ERC ay magpapalakas sa pagnanais ng lehislatura na higpitan ang pag-monitor sa operasyon ng NGCP at matiyak na matatapos sa tamang oras ang mga energy infrastructure project.