Calendar
Suspek na tulak dumayo, tiklo sa P1M na shabu
MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa lalaking taga-Bulacan na dumayo pa para magbenta ng droga noong Lunes sa Caloocan City.
Dinakma ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) si alyas Kuya, 47, ng tanggapin ang P36,000 na markadong salapi na ibinayad ng pulis na nagpanggap na buyer.
Dakong alas-3:18 ng madaling araw nahuli ang suspek sa Reparo Libis, Brgy. 161 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.
Nakuha rin sa suspek ang P1,000 na pera at 35-piraso ng tig-P1,000 na boodle money na ginamit sa buy-bust, motorsiklo at cellular phone na ginagamit sa pakikipag-transaksyon ng ilegal na droga.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya sa Caloocan City Prosecutor’s Office laban sa suspek.