Calendar
Mataas na popularity ratings di basehan ng epektibong serbisyo-publiko — Malakanyang
IGINAGALANG ng Palasyo ng Malakanyang ang paniniwala na ang mga survey ay sukatan ng opinyon ng publiko.
Gayunpaman, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang mataas na popularity ratings ay hindi basehan ng epektibong serbisyo publiko.
Katuwiran ni Bersamin, kaakibat ng tunay na pamumuno ang mga hakbang na tama subali’t hindi popular.
Pero ang bawat desisyon anya ng ehekutibo ay interes ng publiko ang isinasaalang-alang at hindi ang mataas na ratings.
Ayon kay Bersamin, ang grado ng pamamahala ay hindi lang dapat nakabatay sa survey.
Dahil kung ganito anya ang magiging sistema ay mawawala sa focus ang mahahalagang sukatan gaya na lamang ng employment, na nagpapakita ng pag-usad ng bansa.
Kaya naman patuloy lang aniya ang mga ginagawa ni Pangulong Marcos na nakasentro sa mahalagang misyon nitong i-angat ang buhay ng mga Filipino, palaguin ang ekonomiya at makamtan ang magandang hinaharap para sa Pilipinas.
“True leadership always carries with it the burden to pursue courses of action which are right but may not be popular,” pahayag ni Bersamin.
“Public interest is the sole driver behind every executive decision, not the pursuit of high ratings in the next opinion polls. High popularity ratings are the bonus and not the bedrock of effective public service,”
Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte.
Sa survey na isinagawa noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, nasa 48 porsyento na lamang ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 50 porsyento noong Setyembre.
Nasa 47 porsyento na lamang ang trust rating ni Pangulong Marcos mula sa 50 porsyento noong Setyembre.
“We respect the statement that surveys are dipstick readings of the well of the public opinion,” pahayag ni Bersamin.
“But we believe that the governance scorecard should not be confined to pollings alone. To consider surveys as the sole indicator is to take our focus away from the more important metrics, like employment, that reliably measure our progress as a nation,”
“As the President’s actions show, we have remained focused on our critical mission of uplifting lives, growing the economy, and securing our future,” dagdag ni Bersamin.