Martin

Speaker Romualdez: Panahon ng saya, pasasalamat, pagmumuni-muni

15 Views

NGAYONG Kapaskuhan, ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang taos-pusong pagbati nito ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.

Ayon sa lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan, ang panahong ito ay simbolo ng saya, pasasalamat, at pagmumuni-muni, at isang pagkakataon na maipagdiwang ang pagmamahal at pagkakaisa na nagbibigkis sa bawat isa bilang isang bansa.

“As we celebrate this joyous season, I extend my heartfelt Christmas greetings to every Filipino family, wherever you may be in the world.

This season is a time of joy, gratitude, and reflection—a moment to honor the love and unity that bind us as a nation,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binalikan din ni Speaker Romualdez ang mga hamong pinagdaanan ng bansa, mula sa mapaminsalang bagyo at iba pang kalamidad na sumubok sa katatagan ng mamamayan, hanggang sa mga ingay at hidwaang pulitikal na nagtangkang magdulot ng pagkakawatak-watak, pero nanatiling matatag ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ng bawat Pilipino.

“Christmas reminds us of what truly matters—faith, family, and compassion. It is a time to rise above our differences and focus on the shared values that make us one people,” ani Speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, hindi naging madali ang taong ito, lalo na para sa mga nawalan at naharap sa matitinding pagsubok dulot ng magkakasunod na kalamidad.

Gayunpaman, ani Speaker Romualdez sa gitna ng kahirapan, nasaksihan din ng mga Pilipino ang mga kabutihan at bayanihan na nagbigay ng inspirasyon at nagpatibay sa buong komunidad.

Sa biyaya ng Diyos at sa hindi matitinag na katatagan ng sambayanang Pilipino, sinabi ni Speaker Romualdez na sama-samang nalampasan ang mga hamon at pagsubok na dumating.

“Ang simpleng pagdamay sa kapwa ay nagbibigay-liwanag sa kanilang buhay. Let us also take this time to give thanks for even the smallest blessings and pray for those who are still striving toward a better tomorrow,” saad pa ng lider ng Kamara.

Hinimok ni Speaker Romualdez ang bawat mamamayang Pilipino, na sa pagharap sa Bagong Taon ay bitbitin natin ang pangako ng mas maliwanag na bukas.

“As we prepare to welcome the New Year, let us hold onto the promise of a brighter future. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, makakamtan natin ang mas maayos, mas maunlad, at mas mapayapang Pilipinas,” ani Romualdez.

Umaasa rin si Speaker Romualdez na maghahatid ang liwanag ng Pasko ng kapayapaan, pagmamahal, at saya sa bawat tahanan at puso.

“Together, let us work for a better future, guided by hope, unity, and faith in one another,” wika pa ng lider ng Kamara.

“Muli, Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa bawat pamilyang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas, at mabuhay ang mga Pilipino,” pagtatapos nito.