Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
DOH

Pangangailangang pang-medical ng mga cancer patients sa Isabela inaksiyunan

Mar Rodriguez Dec 26, 2024
152 Views

DOH DOH DOH Dr PangilinanNAGSAGAWA ng consultative meeting sa pagitan ng Department of Health (DOH), Southern Isabela Medical Center (SIMC) at Isabela State University para matugunan ang mga pangangailang pang-medikal ng mga cancer patients ng Isabela.

Ito ang nabatid kay House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V na isang makabuluhang consultative meeting ang isinagawa para mabilis na matugunan at maaksiyunan ang mga pangangailangan ng mga cancer patients sa kanilang lalawigan.

Sabi ni Dy na napagkasunduan sa nasabing meeting ang planong pagtatayo ng SIMC Cancer at BUCAS Center na itatayo sa bayan ng Echague, Isabela.

Paliwanag ng kongresista na layunin din ng pagkakaroon ng SIMC Cancer and BUCAS Center na mas lalo pang pag-ibayuhin o mapaunlad ang aspeto ng health services sa Isabela hindi lamang para matugunan ang pangangailangan ng mga cancer patients bagkos maging ang lahat ng mga mahihirap na pasyente ng lalawigan.

Kasabay nito, inihayag ni Dy na naging matagumpay ang pamamahagi nila ng 150 eyeglasses para sa mga estudyante, mga empleyado at kuwalipikadong indibiduwal na may problema sa mata.

“We are greatful to all those who gave their time and effort to make this program a reality. Such activitiea serve as an example of our unity and concern for one another,” wika ni Dy.