Calendar
MMFF di lang isang festival kundi pagdiriwang nga kultura, talento
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa lahat ng Pilipino na suportahan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikulang kasalukuyang ipinalalabas.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdiriwang ng pelikulang Pilipino at ang pagsuporta sa mga lokal na filmmaker.
“Suportahan natin ang ating mga Pilipinong artista at direktor! Ang MMFF ay hindi lamang isang festival; ito ay pagdiriwang ng ating kultura at talento,” aniya.
Sinabi ng senador na mahalaga ang MMFF bilang isang plataporma upang maipakita ang malikhaing galing at sining ng mga Pilipinong filmmaker. Naniniwala siya na ang pagsuporta sa mga lokal na pelikula ay mahalaga para sa pag-unlad ng industriya ng pelikulang Pilipino.
“Panoorin natin ang mga pelikula, at ibahagi natin ang ating karanasan sa ating mga kaibigan at pamilya,” dagdag pa ni Pimentel.
Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na ang mga kalahok sa MMFF ngayong taon ay magbibigay ng aliw at magtataas ng antas ng kalidad ng mga pelikulang Pilipino.
Ang sampung pelikulang tampok sa MMFF 2024 ay: “And the Breadwinner Is…,” “Espantaho,” “Green Bones,” “Hold Me Close,” “Isang Himala,” “My Future You,” “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “The Kingdom,” “Topakk,” at “Uninvited.”