Marites Lang

Ang ‘MaJoHa’ Learning Crisis

Marites Lang Apr 21, 2022
295 Views

NITONG mga ilang araw matapos ang Semana Santa ay panay istorya sa parating na eleksyon ang kalimitang nababasa at napapanood. Andaming mga opinion, hanash, hugot at ang iba ay mga nakakagulat na rebelasyon. Bago ako makisali sa kung anumang usapin dito, pagbigyan nyo ako magsabi ng hugot ko sa ‘MaJoHa’ – yung sagot ng isang housemate sa Pinoy Big Brother sa isang tanong na may kinalaman sa ating kasaysayan bilang isang bansa.

Ang tanong sa isang live quiz ni Robi Domingo sa mga housemates na parehas babae ay ito:

“Ang tatlong Catholic priests na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na hinatulan noong panahon ng mga kastila ay mas kilala sa tawag na ______.”

Ang sagot nung isang housemate ay MARJO. Ang komento ng isang host na nagreport sa youtube ay “Ginawa nyong loveteam! Well, yan ang pagmamahal sa bayan”. Ngek!

Siyempre dahil mali ang sagot ay yung isa namang housemate na katunggali sa contest ang dapat sumagot. Ang kanyang sagot ay “Ma-Jo-Ha…”

At ang facial expression ni Robi Domingo ay napangiwi ng matagal. Merong ibang housemates ang tinanong ng ilang general knowledge questions tulad ng “Ano ang summer capital ng Pilipinas?” Sagot nung isa ay “Intramuros”. Ang mga kaalamang ito ay pang elementary level o grade school na lessons. Bakit ganern Teh?!

Lumawak ang mga diskusyon sa insidenteng ito at napindot ng sitwasyon ang mga kakulangan sa educational system ng ating bansa. Umabot sa point na kinantyawan ang DepEd na dapat ay depresyon daw ang itawag. At nag presscon ang Education Secretary Leonor Briones para magpaliwanag na hindi sila dapat sisihin sa minana lamang nila na mga problema sa kanilang departamento noong April 19. Sabi niya ay ipinatupad lamang nila ang curriculum na minana lamang nila sa ibang administrasyon. Sumakit ang bangs ko dito mga Kuya at Ate. Para sa ating mga naging Iskolar ng Bayan, ito ay kasalanang maituturing sapagkat lumalabas na mangmang generally at may collective amnesia ang mga pinoy young ones. Ouch naman! Kawawang bansang Pilipinas… ang mga batang henerasyon na magpapatupad ng mga polisiya ng gobyerno at mga potensyal na lider natin ay at risk maging idiots at obobs. Siyempre dapat pansinin ito.

Noong martial law years, umpisahan natin yung A1 Child Program sa mga eskwelahan para ang mga bata ay macheck ang kalusugan lagi. Merong nutribun at Klim sa eskwelahan na libre para me sustansya ang mga utak ng mga estudyante. Kahit me international organization na nagsponsor nito, merong political will na maayos ang paghubog sa kabataan kaya ipinatupad ito. Madami kayo diyang komentaryo to discredit the leader that Marcos has become pero huwag nyo alisin sa kanya yung malinaw na direksyon para sa mga kabataan. Merong national conference on children and youth sila noon lagi. May disiplina ang mga bata at paguwi ng bahay maski mahihirap ay libro ang hawak. At firing squad ang parusa sa nagnenegosyo ng drugs noon.

Ngayon naman kung kelan me internet at mga gadgets akalain mong maging ganito ang mga kabataan? Ang dali mag research at mag aral ngayon… Ang apo ko na walong taon ay mga endangered species na ang dinidiscuss at entire food chain sa aquarium niya ang iniisip. Pero bakit may mga ganyang hindi kilala ang Gomburza at ang Baguio? Anyare Teh? Hindi ko nilalahat pero may mga kakayanang bumili ng gadgets ang mga PBB housemates bakit sila intellectually challenged? Kulang ang Knowledge Power nila. Nawala na nga yung National College Entrance Exam(NCEE) ngayon para malaman ang talino ng mga produkto sa mga eskwelahan natin noon. Ang China ginagawa pa din itong NCEE para maupgrade ang quality ng edukasyon sa mga eskwelahan na nakikita sa percentile ranking ng mga estudyante. Naabolish sa atin yan at kung ano anong mga measures ang ginawa ng DepEd in its stead umpisa ng magpalit ng gobyerno noong 1986. Kung effective ang mga ginawa nila sana walang learning crisis ngayon. Nag deteriorate ba ang quality ng edukasyon kaya MaJoHa na ang hula nila sa Gomburza. Tama yung isang host, stock knowledge yan pero bakit walang stock at wala ding knowledge? Ano ba itey?

At madami sa mga comments sa FB posts lalo yung medyo political ang nature ng posts ay punong puno ng bile at lason ang mga lenggwahe nila sa mga comments. Teka lang, hindi nyo ba nakikita ang pagkukulang ng mga sunod sunod na gobyerno sa paghuhubog ng kaisipan at kamalayan ng mga kabataan? Masama ang in denial… or beke nemen type nyo talaga yan God forbid dahil mas madali mabola ang mga tinimbang ngunit kulang. Ano ba talaga? Galit kayo sa implementasyon ng martial law noon. Oo nga madami daw mga military men at mga naka uniporme na umabuso at sinisisi nyo yung Pangulo noon. Pero bakit yung isa sa mga mismong nagpatupad noon katulad ni General Fidel Ramos ay pinili nyo maging Pangulo din? At ang tagal naging Senate President nung dating Justice Secretary JPE na mismong may akda ng doktrina ng martial law na ipinatupad ni Pangulong Marcos noon. Siya ang henyong nag-akda ng limitasyon ng martial law noon at katunayan ay isang kagalang galang na guru sa gobyerno siya. Merong inconsistencies at hindi tugma sa mga nangyare. Parang confusing yon or confused talaga ang mga maraming Pinoy. Which is which?

Kunsabagay sino ba ako para magtanong? Paumanhin pero nagtataka ako sa mga lumilipad na angsts ngayon. Kadaming galit sa nakaraan. It wasn’t so bad as far as I can see. Maayos ang mga isipan at talino ng mga tao noon generally. Ang mga Pinoy noon ay mabilis maadmit sa mga big schools sa abroad. Work in progress ang nation building hindi yan ginagamitan ng magic wand. Magtulong tulong dapat. At higit sa lahat eto ang isang humble suggestion ko. Please lang huwag nyo hingian ng opinion ang mga housemates sa Pinoy Big Brother House tungkol sa mga isyung ito. Baka dumanak ang dugo galing sa mga ilong nila. At since 1986 eto na ang mga kabataan ngayon. Ang scary ng Intelligence Quotient, Emotional Quotient , Spiritual Quotient, Creativity Quotient at Adversity Quotient nila. Maya maya pa iba ibang klase pa na quotient and idedevelop sa mga bata ay paano ang mga kabataang ito?

Sa eleksyon na parating, sana magkaroon ng balance sa mga pananaw natin. Madami tayong nakikita na mali sa educational system natin at sa iba pang programa ng gobyerno. Sana ito ay maayos wish ko lang. Just remember ang taong mahilig mamansin ay dapat humaharap din sa salamin.