Laguna

Kelot dinampot dahil sa malaswang ginawa

Edd Reyes Dec 29, 2024
23 Views

NADAKIP ng mga pulis ang suspek sa lascivious conduct laban sa isang dalaga mahigit dalawang taon na ang nakalilipas noong Biyernes sa Laguna.

Naisilbi ng Baclaran Police substation 1 kay alyas Barnardo, 50, ang warrant of arrest laban sa kanya nang matunton sa Brgy. Sto. Tomas, Biñan, Laguna dakong alas-3:20 ng hapon.

Inilabas ni Paranaque Family Court Judicial Region Branch 10 ang warrant of arrest laban kay alyas Bernardo na may inirekomendang piyansang P180,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

Nakapiit pansamantala sa custodial facility ng Paranaque police ang akusado habang hinihintay ang kautusan ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Paranaque City Jail.