Tulfo1

Pamilya ng PDL sa NBP humingi ng tulong kay Tulfo

29 Views

ILANG pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang lumapit kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo dahil sa sobra-sobrang pananatili na raw ng kanilang kaanak na PDL sa New Bilibid Prison.

Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas kahit tapos ng bunuin ang kani-kanilang sentensya.

“Ang reklamo nila tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na,” paliwanag ni Tulfo.

Ang problema din daw ay natetengga ang pagpirma ng release form ng PDL at hindi agad napipirmahan dahil sa dami na dapat na lumaya na rin”, ani Cong. Tulfo.

“Isang ginang ng AIM ang nagsabi na ang asawa niya ay nasentensyahan ng walong taong pagkakakulong dahil sa kasong homicide.

Sampung taon na raw ang mister niya at sobra na ng dalawang taon sa sentensya sa kanya. Kung mapapalaya lang ang 10,000 na overstaying na PDL sa NBP, tiyak luluwag ang ating BuCor,” ani Tulfo.

Nangako ang ACT-CIS Partylist Representative na iimbestigahan kung saan talaga ang problema para maayos na ang isyung ito.