Chinese Source: FB

Hinihinalang Chinese underwater drone ginagamit pang-reconnaissance

Chona Yu Jan 3, 2025
20 Views

GINAGAMIT sa reconnaissance at surveillance o pagkalap ng impormasyon ang natagpuang hinihinalang Chinese underwater drone sa Masbate.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni National Security Council spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya na may implikasyon ito sa national security.

Lumalabas aniya sa inisyal na imbestigasyon na ito ay isang unmanned drone.

Kaugnay dito, iniimbestigahan at inaalam na ang pinagmulan ng drone gayong wala pang bansa ang umaangkin dito at gayundin ang posibleng iba pa nitong motibo.

Sinusuri na rin ang drone kabilang ang mga nakasulat dito at iba pang ispesipikong bahagi.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa foreign counterparts upang makakalap pa ng karagdagang impormasyon.

Iginiit ni Malaya na ito ay nakababahala kaya’t dapat alamin kung saan ito nanggaling at kung ano ang ginagawa nito sa archipelagic waters ng Pilipinas.