NCRPO

Mga most wanted tinugis ng NCRPO sa pagpasok ng 2025

Edd Reyes Jan 4, 2025
24 Views

MWP1SINIMULAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpasok ng taong 2025 sa matagumpay na pagtugis sa mga wanted na kriminal matapos madakip sa loob lamang ng tatlong sunod na araw ang tatlong kabilang sa top ten most wanted persons ng National Capital Region (NCR).

Ayon kay NCRPO Regional Director P/BGen. Anthony Aberin, ang serye ng matagumpay nilang police operation ay bahagi lamang ng kanilang pangakong maging ligtas sa lahat ng oras ang publiko sa pamamagitan ng pagdakip sa mga taong lumabag at nagtatago sa batas.

Pinakahuling nadakip nito lamang Biyernes, Enero 3, 2025, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. 73 sa Caloocan City ang No. 6 Top Ten Most Wanted Person ng NCR na nahaharap sa mga kasong Rape at Acts of Lasciviousness in Relation to R.A. 7610 o Child Abuse sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inilabas ng Malabon at Pagadian City Regional Trial Courts (RTC).

Nauna rito’y nasakote sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City ng pulisya noong Miyerkules, Enero 1, dakong alas-2:30 ng hapon sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ng Taguig RTC Branch 163 ang Top 4 Most Wanted Person ng NCR na nahaharap sa mga kasong dalawang bilang na Rape at isang bilang na Acts of Lasciviousness in Relation to R.A 7610

Dakong alas-10:00 ng gabi nang matimbog naman sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City ang Top 8 Regional Most Wanted Person na akusado sa kasong Qualified Rape batay sa warrant of arrest na inilabas ng Malabon City Family Court Branch 4.

Ayon kay BGen. Aberin mula Enero 1 hanggang 3 ay may kabuuan ng 23 na nasa listahan ng NCRPO na kabilang sa Most Wanted Persons ang nadakip, maliban pa rito ang 24 na indibiduwal na wanted din sa batas.

Ito aniya ang tugon ng kapulisan sa buong NCR sa kanyang direktiba na ituon ang atensiyon sa mga indibiduwal na may nakabimbing warrant of arrest na hindi naisisilbi ng ilang mga tanggapan ng NCRPO.

“It is high time for these elusive and notorious wanted persons to answer these heinous crimes that they have committed and squarely face the scales of justice. There will no relent in our manhunt operations until these most wanted persons will all be arrested and accounted for,” pahayag pa ni BGen. Aberin.