Sports on air

SEA Games stars magbibida sa Sports on Air

Robert Andaya Apr 22, 2022
441 Views

MAGIGING tampok na usapan ang nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa gaganaping 17th “Sports On Air” vodcast ngayong Sabado, April 23.

Tatampukan nina Rio Olympian at SEA Games marathon gold medalist Mary Joy Tabal, long jump champion Khay Santos and rising golf star Rianne Mikhaela Malixi ang naturang linguhang programa simula 10:30 a.m.

Ibabahagi ni Tabal, na nakasungkit gold medal sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur at silver sa 2015 Singapore and 2019 Manila, ang kanyang mga saloobin sa darating ma multi-event competition.

Ang 32-taong-gulang na si Tabal, na naging kauna-unahang Filipino marathoner na nakalahok sa Olympics, ay hindi makatatakbo ngayong taon matapos in-anunsyo ang kanyang pagbubuntis.
Iku-kwento naman ni Santos ang kanyang punakahuling panalo sa nakalipas na 2022 Singapore Open track and field championships, pati na ang kanyang tsansya sa nalalapit na SEA Gsmes in Vietnam.

Magbabahagi din si Malixi ng kanyang mga plano ngayong taon, kasama na ang kanyang pagsabak sa SEA Games at ang pagkapili sa kanya bilang isa sa siyam na atletang Pilipino na nabigyan ng

Olympic Solidarity scholarships ng International Olympic Committee.

Ito ang ika 17th episode ng “Sports on Air Weekly”, ang pinakabago at pinakamainit na sports program na pinamamahalaan nina Ed Andaya ng People’s Tonight, Ernest Leo Hernandez ng SOA, Gerard Arce, Ivan Saldajeno ng Philippine News Agency, Gab Ferreras ng Sports Corner. PH, Jean Malanum ng Manila Times at Danny Simon ng Police Files.

Kabilang sa mga naging panauhin na sa “Sports on Air” ay sina Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial at Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico

Puentevella nung Jan. 14; Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra at Philippine Olympic Committee (POC) chairman Steve Hontiveros nung Jan. 21; Philippine Sports
Commission (PSC) commissioner at SEA Games chef de mission Ramon Fernandez nung Jan. 28;

Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Reli de Leon at PBA coaches Ariel Vanguardia ng Blackwater, Chris Gavina ng Rain or Shine at Rensy Bajar ng NorthPort nung Feb. 4;

Pilipinas Super League officials Ricky Chan, Ray Alao at Marc Pingris nung Feb. 11; former POC president Cristy Ramos nung Feb. 12; boxing champion Vincent Astrolabio at coach Nonoy Neri nung Feb. 17; Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar at Kurash Sports Federation head Rolan Llamas nung Feb. 18; at Wushu Federation president Freddie Jalasco,

Philippne Judo Federation secretary-general David Carter at Samahang Kickboxing ng Pilipinas secretary-general Wharton Chan nung Feb. 25;

Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ed Picson, archery coach Clint Sayo at Philippine ESports Organization secretary general Joebert Yu nung March 4; PSC commissioner Celia Kiram nung March 11; boxing champion Narj Guro, muaythai hero Philip Delarmino at triathlon winner Claire Adorna nung March 18; four-time world bowling champion.Bong Coo nung March 19; at Karen Tanchanco- Caballero ng Pilipinas Sepaktakraw Federation at Pearl Managuelod ng Muaythai Association of the Philippines nung March 25; at

Pilipinas Super League team owners nung April 2; at national cycling coach Ednalyn Huelda, shooting coach Ronald Hejastro and duathlon organizer Cho de los Santos nung April 9.