Vic Reyes

Gusot sa WPS di madaling ayusin

Vic Reyes Jan 9, 2025
14 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina:

Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kakampi ng mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman ng Oman,

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

***

Bagong taon na naman, siguradong marami ang nangangamba na baka maghirap ang world economy, kasama na ang Pilipinas.

Marami kasing problema na kakaharapin ng mundo ngayong 2025, kasama na ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Sa tingin natin, hindi madaling ayusin ang gusot sa WPS dahil pursigrido ang China na angkinin ang maraming isla.

Hindi basta aatras ang China kahit tayo ang may titulo sa lugar na pinaniniwalaang mayaman sa mineral resources.

Pero hindi naman tayo umaatras sa laban dahil tayo ang may karapatang umangkin sa lugar.

Ito ang malaking problemang kinakaharap natin .

Nandiyan pa ang away sa Ukraine at gulo sa pagitan ng Israel at kalabang nasyon.

Kaya, kailangang doble-kayod ang mga revenue generating agency ng bansa upang makalikom ng malaki-laking pondo.

Kailangan kasi ng gobyerno ng pera para magawa nito ang mga proyekto at programa na magpapaangat sa kabuhayan ng mga tao.

Kung may mga gulo sa ibang bansa ay apektado ang ekonomiya ng mga trading partners, kagaya ng Israel, South Korea, Japan at Taiwan.

Pero alam natin na hindi magpapabaya ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue .

Doble kayod ngayon ang dalawang ahensiyang nabanggit upang matustusan ang pangangailangan ng bansa.

***

Kailangan talagang maibaba pa ng gobyerno ang presyo ng bigas at iba pang essential commodities sa lokal na merkado.

Alam naman natin na mayroon pa ring mapagsamlantalang mga negosyante sa bansa.

Ang gusto nila ay kumita kaagad ng malaki kahit na alam nilang hirap na ang taumbayan dahil sa kawalan ng magandang trabaho.

May mga negosyante nga na itinatago ang mga pangunahing produkto, lalo na ang bigas, para magkaroon ng artificial shortage.

Kapag nga naman may shortage, naitataas kaagad nila ang presyo presyo ng mga bilihin.

Wala namang magagawa ang mga otoridad dahil kulang sila ng mga tauhan para maginspeksyon sa mga palengke.

At kahit may mga mahuli silang nag-overprice ay nakalalabas din sila kaagad sa kulungan dahil bailable naman ang kaso.

Iyan ang problema sa Pilipinas. Dahil may demokrasya, kailangan dumaan sa due process ang mga suspek kahit “caught in the act” na silang gumagawa ng krimen.

Ang kawawa ay ang mga mahihirap at maliliit na tao sa lipunan.