Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Rice

DA: Bigas na imported ‘di dapat tumaas sa P58/kilo

Cory Martinez Jan 10, 2025
14 Views

ITINAKDA ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported na bigas sa P58 kada kilo simula sa Enero 20.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., naitakda ang presyo matapos ang mga konsultasyon sa mga importers, retailers, rice industry stakeholders at iba pang ahensya ng pamahalaan at law enforcement bodies.

“This MSRP aims to strike a delicate balance between business sustainability and the welfare of consumers and farmers.

We must ensure the price of rice is fair and affordable even as we make sure that the rice industry remains profitable. We cannot allow the greed of a few to jeopardize the well-being of an entire nation,” ani Tiu Laurel.

Unang ipapatupad ang MSRP sa Metro Manila at rerebyuhin kada buwan upang isaalang-alang ang iba’t-ibang factors kabilang na ang pandaigdigang presyo ng bigas.

“We think that if the current direction of global prices holds, the MSRP will be lower after the review,” dagdag ni Tiu Laurel.

Muling pinagtibay naman ni Trade and Industry Secretary Cristina Roque
ang suporta nito sa pagsusulong ng DA sa pagpapababa ng presyo ng bigas para sa mga Pilipino.

Nagsagawa ang DA ng mga konsultasyon sa mga rice millers, traders, importers, retailers at pangunahing tanggapan ng pamahalaan kabilang na ang Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Department of Finance at Philippine National Police.

Natuon ang konsultasyon sa pagresolba sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng pagbaba ng taripa ng bigas at ang pagbagsak ng pandaigdigang presyo.

Umabot sa 4.7 milyong metriko tonelada ang rice import volume noong 2024 na nagdulot ng pagbagsak ng presyo at pagbaba ng taripa ng dis insentibo sa mga smuggler.

“Based on our calculations, using data and profit margins provided by importers and retailers, imported 5% broken rice should not exceed P58 per kilo. For rice with a higher percentage of broken grains, the price should be much lower,” paliwanag ni Tiu Laurel.

Inatasan din ni Tiu Laurel ang Food Terminals Inc. (FTI) na magsimula nang magbenta ng bigas sa pamamagitan ng KADIWA ng Pangulo centers at kiosks.

Samantala, ibebenta sa P38 kada kilo ang mga bigas na inimbak ng National Food Authority (NFA) sa loob ng dalawang buwan sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

“This initiative will help the NFA clear its warehouses in preparation for the upcoming harvest season,” ani Tiu Laurel.

Layunin ng planong ito na patatagin ang presyo ng bigas habang tinitiyak ang access sa mataas na kalidad at abot-kayang presyo ng bigas para sa mga Pilipino.