First Lady Marcos Si First Lady Liza Araneta Marcos ay nakipagpulong kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at sa iba pang opisyal ng gobyerno.

Pilipinas target ni FL Liza Marcos na maging film tourism destination

Chona Yu Jan 11, 2025
15 Views

NAKIPAGPULONG si First Lady Liza Araneta Marcos sa mga opisyal ng Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI).

Ito’y para sa layuning i-promote ang Pilipinas bilang film tourism destination at ang bansa’y gawing isa sa nangungunang film tourism destination sa Asya.

Nais ng unang ginang na mapili ang mga tourist destination sa bansa bilang lokasyon ng shooting ng lokal at dayuhang mga pelikula.

Gayundin, layunin ang mabigyan ng insentibo at suporta ang film production units sa mga piling tourism destinations.

Pinag-aaralan din ang paglikha ng mga produkto gaya ng tour packages base sa popular na mga pelikulang ginawa sa tourist destinations.

Kilala si First Lady Liza Marcos sa pagsuporta sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa katunayan, noong Martes ay nanood ito ng isa sa mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).