Calendar
Publiko gustong maibulgar ng Quad Comm mga systemic na abuso — mga lider ng Kamara
IKINATUWA ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang malakas na suporta na ipinahayag ng publiko sa imbestigasyon nito upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa kalakalan ng iligal na droga, iligal na operasyon ng POGO, at libu-libong extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61 porsiyento ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm.
“This is a clear mandate from the people to pursue justice and expose the truth behind these systemic abuses. We will not waver in our mission to hold powerful offenders accountable,” sabi ni Quad Comm lead chair Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at nina Quad Comm co-chairmen Dan Fernandez, ng Laguna, Joseph Stephen “Caraps” Paduano, ng Abang Lingkod Party-list, at Bienvenido Abante, ng Manila, at Quad Comm Senior Vice Chairman Romeo Acop ng Antipolo.
Sinabi ng mga lider ng Quad Comm na ang resulta ng Pulse Asia survey ay pagpapakita ng kumpiyansa sa kanilang ginagawang imbestigasyon.
“This overwhelming support from the Filipino people strengthens our resolve to go after those responsible for these systemic abuses. The people demand justice, and we will not back down,” sabi ng mga mambabatas.
Naniniwala rin ang mga lider na ang resulta ng survey ay isang mandato upang kanilang ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan at mapanagot ang mga may sala.
“The message is loud and clear—Filipinos want accountability and reforms. This investigation is a crucial step in dismantling the networks of corruption and abuse tied to EJKs, illegal drugs, and POGOs,” sabi pa ng mga ito.
Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
Matapos makapagsagawa ng 13 imbestigasyon mula Agosto hanggang Disyembre 2024, nakumbinsi ang mga miyembro ng Quad Comm na ang war on drugs campaign ni dating Pangulong Duterte ay ginamit lamang upang pagtakpan ang isang “grand criminal enterprise” na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno, sistematikong korupsyon, at international drug trafficking networks.
Kung mayroon umanong mga pinapatay sa war on drugs, mayroon umanong grupo na pinoproteksyunan na siyang lumago at namayagpag nooong panahon ni Duterte at mahalaga umano na lumabas ang katotohanang ito.
“These revelations are just the tip of the iceberg. Our work ensures that those who exploit the system are exposed and held accountable,” sabi pa ng mga mambabatas.
Iginiit rin ng mga mambabatas ang kahalagahan na makagawa ng mga batas upang matiyak na hindi na ito mauulit.
“Our objective is to break this cycle of impunity, ensure no one is above the law, and create safeguards to prevent such abuses in the future,” sabi pa ng mga ito.
Ayon sa resulta ng Pulse Asia, pinakamalakas ang pagsuporta sa imbestigasyon ng Quad Comm sa National Capital Region (73%) at iba pang bahagai ng Luzon (66%).
Mataas din ang suporta rito sa lahat ng socioeconomic classes, 64 porsiyento sa Class ABC, 62 porsiyento sa Class D, at 52 porsiyento sa Class E.
“This is a national issue, and the voices from every region and class validate the urgent need for this probe. Our commitment is to represent them all fairly,” sabi pa ng mga mambabatas.
Bilang sukli ng malakas na suporta ng publiko, nangako ang mga lider ng Quad Comm na kanilang itataguyod ang pagkakaroon ng hustisya, at gagawa ng mga hakbang upang mapigilan na muling maulit ang mga pang-aabuso.
“Our duty is clear: fight for justice and protect the Filipino people from those who exploit the system. With your support, we are stronger and more determined than ever,” dagdag pa ng mga lider ng Quad Comm.