Rice

Dagdag Kadiwa ng Pangulo kiosk palalawigin Rice-for-All program ng DA

Cory Martinez Jan 12, 2025
18 Views

PALALAWIGIN pa ng Department of Agriculture (DA) ang Rice-for-All program, nito sa pamamagitan ng pagbubukas ng karagdagang KADIWA ng Pangulo kiosks sa mga pampublikong palengke at train station at kolaborasyon sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa upang makapagbenta ng abot-kayang halaga ng bigas kabilang na ang P29 rice program para sa mga vulnerable sector.

Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., layunin ng mga inisyatibong ito na masawata ang walang katarungang mataas na presyo ng bigas at tiyakin ang access ng mga ito lalung-lalo na sa mga disadvantaged household

“We are ensuring that rice reaches every Filipino household at fair and affordable prices, starting with key markets in Metro Manila and, eventually, other regions,” ani Tiu Laurel.

Sa ilalim ng Rice-for-All program, makakabili ang mga konsumer ng bigas sa halagang P45 kada kilo para sa 5% broken grains: P40 para sa 25% broken, at P36 para sa 100% broken (“Sulit Rice”).

Samantalang ang P29 rice program ay nakalaan paras sa mga mahihirap, senior citizen, solo parent, persons with disabilities, at indigenous communities, na limitado sa 10-kilo bawat buwan kada benepisaryo.

Upang maging matatag ang presyo, nakipag-partner ang DA sa Metro Manila Development Council, at sa mga LGU sa Metro Manila upang magbenta ng National Food Authority (NFA) rice stock sa halagang P38 kada kilo.

Hindi lamang makakatulong sa mga konsumer ang naturang inisyatibo kundi makakatulong din sa pagbawas ng laman ng mga bodega ng NFA bago pa ang panahon ng anihan.