Barbers

Sino ang may kontrol sa NGCP?, tanong ni Barbers

43 Views

NAIS malaman ng mga pinuno ng Kamara de Representantes kung sino ay may kontrol sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), ang tanging power transmission company sa bansa.

“The reason why I feel that that document is very important in this inquiry is because we like to determine sino ba talaga ang nagko-control ng NGCP? Is it run, controlled, managed, operated by the Chinese? Or is it really the Filipino?” tanong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa ginanap na pagdinig ng committee on legislative franchises noong Martes ng hapon, kaugnay sa mga isyung kinahaharap ng NGCP.

“Very crucial ito Mr. Chair, because we like to determine up to what extent thus the foreign incorporators or counterpart have influence over the management operation and control of this corporation,” saad ni Barbers.

Ang katanungan ni Barbers ay matapos mabigo ang abugado ng NGCP na si Atty. Lilly Mallari na isumite ang kasunduan ng mga shareholder sa pagitan ng State Grid Corp. of China (SGCP) at mga Filipino-Chinese partners nito, na noon pang nakaraang buwan hinihingi ng komite.

Ipinaliwanag ni Mallari sa komite na pinamumunuan ni Paranaque City Rep. Gus Tambunting na may nakabinbing arbitration case sa Singapore na pumpigil sa NGCP na isapubliko ang kasunduan ng mga shareholder.

Gayunman, sinabi ni Tambunting kay Mallari na alinsunod sa mga patakaran ng Kamara, ang pagkakaroon ng kasong nakabinbin ay hindi hadlang upang hindi makakuha ang panel ng kinakailangang dokumento.

Sa puntong ito, sinabi ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez na siya mismo ang humiling sa NGCP na isumite ang mga kasunduan ng mga shareholder sa nakalipas na pagdinig noong December 23.

“During the time that we had the briefing on the 23rd of December of last year up until last week I was requesting from the ComSec (committee secretariat) a copy of the shareholders agreement. Unfortunately, wala pong pinadalang kopya ang NGCP,” saad pa nito.

Imunungkahi ni Suarez sa komite ang pag-iisyu ng subpoena sa kinakailangang dokumento, na dapat isumite sa loob ng isang lingo, na sinang-ayunan naman ng panel.

Suarez then moved that the committee subpoena the needed document, and suggested that it be submitted within a week. The motion was approved by the committee.

“Can I just request that the chair also give a timeline at least it is something that we can hold on to when NGCP can comply…. Kasi baka mag-comply sila sa susunod na taon pa,” giit pa ni Suarez.

Binigyan ng komite ang NCGP ng isang linggo para isumite ang mga hinihinging dokumento.

Ang NGCP ay inaasahang may pag-aari ng 40 porsyento ng state-owned Chinese firm na SGCP at 60 porsyento ng mga kasosyo nitong Filipino.

Gayunpaman, sa pagdinig ng House committee on ways and means, noong nakaraang linggo, ay duda si Rep. Joey Salceda ng Albay, chairman ng panel na maaaring lampas pa sa 40 porsyento ang pag-aari ng mga Chinese sa monopoly transmission.

Ipinahayag niya na ang mga bentahan ng mga stock ng NGCP sa Philippine Stock Exchange sa nakaraang dalawang linggo ay nagpapakita na ang mga banyagang may-ari ng kumpanya ay nagbebenta ng kanilang mga shares upang ayusin ang ilang bagay.

Sinabi ni Salceda na siya ay may karanasan sa mga financial markets sa loob ng pitong taon kaya’t tiyak siya na may malinaw na pagtatangka upang gawing legal ang isang bagay.

“This will probably fall under our anti-dummy law,” wika nito.

Inakusahan din ni Salceda ang NGCP ng paglabag sa Saligang Batas dahil sa pagtalaga ng isang Chinese national bilang board chairman.

Ipinagbabawal ng Saligang Batas ang pagtatalaga ng mga dayuhan sa executive and management position sa mga kumpanyang kabilang sa mga industriya na mahalaga pambansang interes.

Batay sa presentasyon ni Salceda sa kanyang komite, may apat na Chinese sa board of director ng NGCP, kabilang ang chairman nitong si Zhu Guangchao, at anim na Pilipino.

Ang tatlo pang Chinese directors ay sina Shan Show, Liu Ming, at Liu Xinhua.

Habang ang mga Pilipinong miyembro ng board ay sina Henry Sy Jr. at Robert Coyiuto Jr., na kapwa vice-chairmen, at si Anthony Almeda, ang presidente ng kumpanya, kasama rin sina Jose Pardo, Francis Chua, at Paul Sagayo Jr.

Pinuna rin ng mambabatas ang online statement ng Chinese firm na SGCP sila ay nakakuha ng malawak na impluwensya sa electricity transmission network sa Pilipinas.

Iminungkahi niya na ang NGCP ay isailalim sa isang national security threat assessment ng mga nararapat na ahensya.