Drug on war

Chairman Barbers suportado DILG probe, bigong Duterte drug war nagdulot ng katiwalian sa pulisya

23 Views

ANG bigong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ay nagdulot umano ng katiwalian sa hanay ng Philippine National Police (PNP), nagpalaganap ng impunity at nagresulta sa malawakang pag-abuso sa karapatang pantao.

Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang lead chairman ng quad committee ng Kamara de Representantes, na isang pagsang-ayon sa pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na tinawag ito bilang “malawakang sabwatan” sa loob ng hanay ng kapulisan upang pagtakpan ang mga ilegal na gawain at panahon na umano para panagutin.

“While I supported the anti-drug campaign of the previous administration as a necessary response to a growing crisis, it is now undeniable that it became a catastrophic failure,” ayon kay Barbers.

“Instead of upholding justice, it opened the floodgates to corruption in the PNP, fostered a culture of impunity that left thousands of innocent lives destroyed, and even allowed recycled drugs to poison our streets again,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon pa kay Barbers, na siyang chair ng House committee on dangerous drugs, ang 30 opisyal ng pulis na kinasuhan, kabilang na ang dalawang heneral, kaugnay sa gawa-gawang “drug haul” noong 2022 ay isang malinaw na katibayan ng umano’y sistematikong pang-aabuso na idinulot ng mga polisiya ni Duterte.

“This only confirms what we in the Quad Comm have uncovered — the Duterte administration’s reward system turned law enforcement into a criminal enterprise. It prioritized kill statistics and inflated accomplishments over genuine reform and public safety,” punto pa ni Barbers.

Una ng sinabi ni Remulla na ang pekeng drug haul, na pinalabas na isang malaking tagumpay laban sa droga, ay bahagi ng mas malawak na sabwatan upang itago ang mga ilegal na gawain ng PNP.

Sinabi rin ni Remulla na magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng imbestigasyon ukol sa drug-related operation mula 2016 hanggang 2022, na magbibigay-tuon sa reward sytem na nabunyag sa mga pagdinig ng quad comm.

Ang mga testimonya mula sa mga saksi, kabilang si retiradong police colonel at dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma, ay nagbunyag na nagbibigay ang administrasyon ni Duterte ng mga cash reward para sa mga suspek na napatay, mga nahuling indibidwal at mga nakumpiskang droga.

Sinegundahan ni Barbers ang pahayag ni Remulla na ang reward system ang nagpalaganap ng katiwalian sa loob ng PNP.

“This reward system didn’t just encourage shortcuts — it bred criminal enterprises within the very institution tasked with upholding the law,” saad pa ni Barbers.

“Officers fabricated evidence, inflated statistics, and exploited the system for personal profit, while those who should have been held accountable were shielded,” giit pa nito.

Binigyang-diin ni Barbers na ang mga pabigla-biglang polisiya ni Duterte ay lumikha ng perpektong pagkakataon para sa korupsyon.

“By prioritizing kill statistics over accountability, he turned the PNP into a rogue organization that thrived on shortcuts and blood money,” giit pa ng kongresista.

Dagdag pa niya: “This fabricated drug haul is not an isolated case — it’s a damning indictment of Duterte’s entire approach to governance.”

Kaya’t dapat lamang, ayon kay Barbers, na managot ang lahat ng mga responsable sa pinsalang dulot ng polisiyang ipinatupad ng administrasyon ni Duterte.

Nanawagan din ang beteranong mambabatas ng komprehensibong reporma upang masugpo ang tinukoy niyang “culture of impunity” sa loob ng PNP.

Ipinunto rin ng mambabatas ang kahalagahan ng independiyenteng pagsusuri sa mga reward system, mas mahigpit na mga patakaran ng transparency sa mga police operation, at mas mabigat na parusa para sa extrajudicial killings (EJK).

“These reforms are not negotiable. We need to hold people accountable and prevent these atrocities from happening again. The days of unchecked abuse and corruption must end,” saad pa ni Barbers.

Ayon kay Barbers, ang pagsasampa ng kaso laban sa 30 opisyal na nasangkot sa pekeng drug haul ay dapat magsimula ng isang mas malawak na hakbang upang papanagutin ang mga nagkasala.

Pinuri rin niya ang kanilang determinasyon na masusing imbestigahan ang kabuuang saklaw ng reward system at ang papel nito sa drug war ni Duterte.

“This investigation is a critical moment for the country. It’s a chance to show that no one — not even the most powerful — is above the law. We must act decisively to deliver justice and restore public confidence,” ayon pa kay Barbers.