Calendar
Speaker Martin Romualdez pinapurihan ni Vargas bilang mahusay na lider ng Kamara
BILANG House Assistant Majority Leader. Pinapurihan ni Quezon City 5th Dist. Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas si House Speakee Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa napakahusay na performance nito bilang isa sa mataas na opisyal ng gobyerno at lider ng Kamara de Representantes.
Ang naging pahayag ng House Assistant Majority Leader ay alinsunod sa inilabas na resulta ng OCTA Research kung saan nanananatili si Speaker Romualdez bilang isa sa pinagkakatiwalaan at may pinaka-mahandang performance sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Sabi ni Vargas na ang mataas na performance rating ni Speaker Romualdez ay isang pagpapatunay lamang na seryoso siya sa kaniyang tungkulin bilang pinakamataas na lider ng Mababang Kapulungan at ang kaniyang pagse-serbisyo ay para talaga pagsilbihan ang taongbayan.
Pagdidiin pa ni Vargas na isang matibay na testamento ng kaniyang pahayag ay ang napakaraming mahahalaga at makabuluhang panukalang batas na ipinapasa ng Kamara de Representantes partikular na ang mga panukala na magpapa-angat sa kabuhayan ng maraming Pilipino.
Dagdag pa ng kongresista na bukod pa dito ang paglilibot ng House Speaker sa iba’t-ibang lalawigan upang mamahagi ng tulong pinansiyal o ayuda para sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kasama na ang mabilis na pagtugon ni Romualdez sa panahon ng kalamidad o isang sakuna.
Batay naman sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na isinagawa nito noong Nobyembre 10 hanggang 16 ng 2024. Nakakuha si Speaker Romualdez ng 58% trust rating at 59% performance satisfaction rating na kapwa bumaba ng 3 percentage points.