Shabu

P.3M shabu, 2 boga, 3 tulak laglag sa Taguig police ops

Edd Reyes Jan 15, 2025
11 Views

Shabu1MAHIGIT 100 gramo ng shabu at dalawang armas ang nakumpiska ng pulisya sa magkasunod na operasyon Martes ng gabi sa Taguig City.

Alas-11:15 ng gabi nang matimbog sa buy-bust operation ng Taguig Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Brgy. Napindan sina alyas “Michael”, 43, at alyas “Gapor”, 29, na kabilang sa mga high value individual (HIV).

Sinabi ni Taguig police chief P/Col. Joey Goforth na bukod sa 51.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P348,840, nakumpiska rin sa mga suspek ang dalawang kalibre .9mm pistola na parehong may tig-lmang bala ng .9mm sa nakalagay na magazine, P6,500 na markadong salapi na kinabibilangan ng isang tunay na P500 at anim na tig-P1,000 boodle money at gamit nilang sasakyangToyota Vios.

Nauna rito, naaresto ng mga operatiba ng SDEU, dakong alas-10:45 ng gabi si alyas “Abdul”, 46, nang pagbentahan P7,000 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. Lower Bicutan kung saan nakumpiska sa kanya ang 57.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P392,360.00 at tunay na P1,000 at anin na piraso ng pekeng P1,000.

Sa kanyang ulat kay Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena, sinabi ni Col. Goforth na umabot sa kabuuang 109 gramo ng shabu na katumbas ng P741,200.00 ang nakumpiska sa dalawa na kanila ng dinala sa SPD Forensic Unit , pati na ang dalawang baril, upang isailalim sa ballistic examination.

“This operation serves as a testament to the Taguig City Police’s unwavering dedication to ensuring the safety and welfare of the community—a commitment that stands as a beacon of exemplary leadership and public service,” pahayag ni BGen. Abrugena.