BOC

P24.2M coke naharang ng BOC sa NAIA

11 Views

BOC1NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang 4,574 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P24.2 milyon.

Naaresto rin ang pasahero na mula sa Addis Ababa sa NAIA Terminal 3 noong Enero 9, 2025.

Nakita umano ang kahina-hinalang dala ng pasahero ng dumaan ang bagahe nito sa x-ray scanning, K-9 check, at pisikal na pagsusuri.

Ang nakumpiskang droga ay nasa pangangalaga na ng PDEA habang inihahanda ang pagsasampa ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) laban sa suspek.

Kinilala naman ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang mga tauhan ng ahensya sa kanilang maigting na pagbabantay.

“We are committed and we call for an even higher standard in safeguarding our borders,” ani Commissioner Rubio.

Muli namang iginiit ni District Collector Atty. Yasmin O. Mapa ang dedikasyon ng BOC-NAIA upang mapigilan ang smuggling ng mga kontrabando at mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.