BOC2

BOC kinumpiska counterfeit items sa storage units sa Pasay City

11 Views

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at regulasyon, kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang iba’t ibang produktong sa mga storage unit sa Pasay City na nadiskubre noong Oktobre 2024.

Isinagawa ang joint operation sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service – Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD), at Port of Manila (POM) CIIS, katuwang ang Armed Forces of the Philippines.

Sa isinagawang inspeksyon ay natukoy na peke ang mga produkto, na paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act or CMTA) at Republic Act No. 8293, also known as the Intellectual Property Code of the Philippines.

Ang mga produkto ay mayroong mga logo ng mga mamahaling brand ng sneaker gaya ng Nike, Adidas, Converse, Crocs, Jordan, Onitsuka Tiger, Vans, Havaianas, Birkenstock, Anello, Lacoste, at Disney.

Noong Disyembre 4, 2024, nagpalabas si POM District Collector Alexander Gerard E. Alviar ng Warrant of Seizure and Detention laban sa mga nadiskubreng produkto.

Iginiit ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang pangako ng BOC na makiisa sa pagbibigay ng pambansang seguridad at pagpapanatili ng integridad ng kalakalan.

“This operation demonstrates our continuous efforts to enforce customs regulations and protect the intellectual property rights of legitimate brands and businesses. Our dedication will not falter; we will persist in implementing strict measures to ensure that only authentic and compliant products are available in our markets,” sabi ni Commissioner Rubio.

Bilang bahagi ng pagbibigay ng proteksyon sa interes ng bansa, nangako ang BOC na sususugan ang paghahain ng mga kasong kriminal sa mga indibidwal na sangkot sa smuggling ng mga pekeng produkto.