Calendar
Mungkahi ng MMDA: 7-4 work sked ng gov’t employees
NAKATAKDANG irekomenda ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, nag gawing alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang pasok ng mga kawani ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan.
Naniniwala si Atty. Artes na makakatulong ang maagang pagpasok ng mga kawani ng pambansang pamahalaan sa pagluwag ng trapiko sa Metro Manila lalu na’t nakatakdang isara upang kumpunihin ang malaking bahagi ng EDSA.
Sa ginawang pag-aaral ng MMDA, mula ng ipatupad ang inirekomenda niyang pagbabago ng pasok ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan noong nakaraang taon, nakatulong ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa maraming lansangan sa Metro Manila.
Sa pag-aaral na ginawa ng MMDA, ang mga kawani ng national government agency (NGA) na gumagamit ng pribadong sasakyan sa rush hour umaabot sa 175,918 mula sa kabuuang 473,533. Nangangahulugan na tinatayang 223,508 na kawani ang sumasakay sa pampublikong transportasyon na makakaiwas sa rush hour kung saan sa ganitong oras din pumapasok at lumalabas ang mga kawani ng pribadong sektor.
Sinabi ni Artes na aalamin niya ang pulso hinggil dito ng mga alkalde at makikipag-ugnayan siya sa mga ito bago isumite sa Pangulong BBM ang rekomendasyon.
Sinabi ni Artes na plano niyang maisumite ang rekomendasyon sa Pangulo nag awing alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang pasok ng mga kawani ng national government sa Marso na siya ring pagsisimula ng rehabilitasyon ng EDSA.