Magsino

Pagsibisita ng delegasyon ng Hungarian Parliament magbibigay ng positibong resulta para sa PH — Magsino

Mar Rodriguez Jan 17, 2025
55 Views

Magsino1Magsino2Magsino3Magsino4OPTIMISTIKO si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na magbibigay ng positibong resulta para sa bansa partikular na para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagbisita at pakikipag-pulong ng mga opisyal ng National Hungary at Hungarian Embassy to the Philippines kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kasama na ang ilang miyembro ng Kamara de Representantes.

Ayon kay Magsino, nabanggit sa ginanap na pagpupulong sa tanggapan ni Speaker Romualdez ang kalagayan ng mga Overseas Filipinos at OFWs sa Hungary. Ikinagalak din nito na nagkaroon na ng Migrant Workers Office (MWO) sa Budapest, Hungary na dati na niyang iminungkahi sa Department of Migrant Workers (DMW) upang mabuksan dahil sa lumalaking populasyon ng mga OFWs sa maturang bansa.

Malaki ang paniniwala ni Magsino na magbibigay ng positibong resulta ang ginanap na bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Hungary hindi lamang para sa ekonomiya at turismo ng bansa bagkos pati narin sa mga OFWs na nagta-trabaho sa Hungary.

Sang-ayon din ang kongresista na sa pamamagitan ng magandang bilateral relations ng dalawang bansa. Mapapalakas din nito ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary sa pamamagitan ng pagbenenta ng mga produkto ng bansa gaya ng electronic equipment, machinery, optical products at medical instruments.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa Hungary dahil sa pagtanggap nila sa 11,600 na Pilipino at ang pagsuporta nila sa pagbubukas ng Philippine Migrant Workers Office sa Budapest, Hungary.

“Our Overseas Filipino Workers contribute significantly to Hungary’s economy amd society and we thank the Hungarian government for its continued assistance,” sabi ni Speaker Romualdez.