Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM

Tinapyas na pondo sa 2025 budget, hinahanapan ng paraan ni PBBM na maibalik

Chona Yu Jan 17, 2025
167 Views

HINAHAPAN na ng paraan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maibalik ang mga tinapyas na pondo sa 2025 P6.326 trilyong pisong national budget.

Sa ambush interview sa Burauen, Leyte, sinabi ni Pangulong Marcos na sub optimal o hindi sapat ang ipinasang budget.

“The budget as passed you can describe it as sub optimal but we are remedying that situation and we are returning,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dismayado si Pangulong Marcos na marami sa mga proyekto na nasa National Expenditure Program (NEP) ang nawalan ng pondo kung kaya ginagawan na aniya ito ng paraan.

“Let me put it is simply. mga masyadong nawala sa NEP na hindi nabigyan ng pondo ay hinahanapan ng savings para maibalik ang pondo sa education, sa health, tourism natanggal ang branding budget nila maibabalik natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang natapyasan ng pondo ang Department of Education, Philippine Health Insurance System at iba pang ahensya ng gobyerno.