Rice

PBBM sinang-ayunan pagdeklara ng food security emergency

Chona Yu Jan 17, 2025
15 Views

LARGADO na ang pagdedeklara ng food security emergency sa bigas sa susunod na linggo.

Sa ambush interview sa Burauen, Leyte, sinang-ayunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Price Coordinating Council na magdeklara ng food security emergency.

“The reason that we are doing this is ginawa na natin ang lahat upang ibaba ang presyo ng bigas but the market is not being allowed to work properly,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Hindi nasusundan ang demand and supply curve dahil hanggang ngayon, kahit ibaba mo ang lahat ng input, ang pagbenta pa rin, mataas pa rin. So, we have forced that price down and we have to make sure that the market works properly na walang friction cost na nangyayari na sari-sarili, iba-ibang bagay. Iyong iba doon iligal kaya iyon ang iniimbestigahan ngayon ng Kongreso,” pahayag ni Pangulong Marcos.