DFA File photo

Kahalagahan ng pagkilala sa mga retiradong empleyado ng DFA idiniin

15 Views

BINIGYANG-DIIN ni Senador Loren Legarda ang kahalagahan ng pagkilala at pagsuporta sa mga retiradong opisyal at kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA), na aniya’y nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan.

Sa kanyang paliwanag na pabor sa panukalang Foreign Affairs Pension Differential Act, inilahad ni Legarda ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga diplomatiko at kawani ng foreign service, na kadalasang nahaharap sa mahihirap at mapanganib na sitwasyon.

“They are tasked with advancing the pillars of diplomacy: preserving and enhancing national security, promoting and attaining economic security, fostering cultural diplomacy, and protecting the rights and interests of Filipinos overseas,” ani Legarda, na pangunahing may-akda ng panukalang batas.

Dagdag pa niya, “With the adjustment of the DFA retirees’ monthly pension and disability benefits, we ensure that they get the adequate support they need to live with dignity during retirement.”

Kapag naisabatas, tataas ang buwanang pensyon at iba pang benepisyo ng mga retiradong kawani ng DFA. Magkakaroon ng dagdag kada limang taon, at tulad ng ibang pensyon, mananatili itong exempted sa income tax at protektado laban sa anumang legal na proseso tulad ng attachment o forfeiture.

Bukod dito, ang kwalipikadong naulilang asawa at/o mga dependent na anak ay makakatanggap ng 50% survivorship benefits sa pagpanaw ng orihinal na benepisyaryo.

“We also strengthen the institution they serve, inspiring those who follow in their footsteps to uphold the same excellence and dedication,” pahayag pa ni Legarda.

“Through this measure, we send a clear message: the sacrifices of our diplomats do not go unnoticed, and their welfare remains a priority, even after their years of service,” dagdag pa niya.

Inaprubahan ng Senado ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa sa botong 23 kung saan ay pabor ang lahat Ng Senador.