Digital

Inklusibong digitalisasyon ng PH nararapat, ani senador

12 Views

PINURI ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang inisyatiba ng Department of Tourism (DOT) na i-digitalize ang sektor ng turismo sa bansa, lalo na ang pagsisikap nitong tiyakin na “walang maiiwan” sa pagsulong na ito.

“The DOT’s move toward digitalization is a step in the right direction. In a world where technology drives progress, modernizing our tourism industry is essential to enhancing visitor experiences and strengthening our global competitiveness,” ani Pimentel.

Gayunpaman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging inklusibo sa inisyatibang ito.

“Digitalization should not focus solely on urban hubs. It must also empower rural communities to share in the benefits of tourism growth. In the digitalization of tourism, we must ensure that no one is left behind—from cities to remote villages. This is the key to genuine progress,” dagdag pa niya.

“Sa digitalisasyon ng turismo, siguraduhin nating walang maiiwan—mula lungsod hanggang kanayunan. Ito ang susi sa tunay na progreso,” kanyang binigyang-diin.

Ipinaalala rin ni Pimentel ang kahalagahan ng pagsasama ng teknolohiya habang pinapanatili ang kultura at likas na yaman ng bansa.

“Modernization should never come at the expense of our rich culture and traditions. These are what make Philippine tourism unique and valuable,” kanyang binigyang-diin.

Bilang solusyon, iminungkahi ni Pimentel ang paglalaan ng pondo para sa pagsasanay ng mga lokal na komunidad sa paggamit ng mga digital na kagamitan at pagbibigay ng mga mapagkukunan para sa maliliit na negosyo at community-based tourism operators.

“Digitalization must not be exclusive to the privileged few. It should be accessible to everyone who contributes to the success of our tourism industry,” paliwanag niya.

Tiniyak ng senador ang kanyang suporta sa mga panukalang batas na magpapalakas at magpapalawak ng digital na pagbabago sa turismo ng Pilipinas.

“The DOT can count on our support for programs that ensure every Filipino benefits from the growth of our tourism sector,” pagtatapos ni Pimentel.