NFA

DA humihiri sa mga mambabatas na ibalik ang regulatory functions ng NFA

Chona Yu Jan 18, 2025
13 Views

HINDI pa.rin sumusuko ang Department of Agriculture (DA) sa pag-apela sa mga mambabatas na ibalik ang regulatory functions ng National Food Authority (NFA).

Sa pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na ito ay para matulungan ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga lokal na pamilihan.

Limitado ang tungkulin ng NFA sa pamamahala ng buffer stock ng bigas.

Sa ilalim Rice Tariffication Law (RTL) na pinasa noong 2019, inalis na sa NFA ang mandato na pagbebenta at pag-aangkat ng bigas.

Ayon kay De Mesa, kapag naibalik ang mga naunang mandato ng NFA, ay hindi na kinakailangan pang ideklara ang isang food security emergency.

“Si Secretary Kiko, is also asking ang ating kongreso na ibalik iyong mandato ng National Food Authority, especially on two things. Una, doon sa regulasyon. Pangalawa, doon sa market intervention ” sinabi pa ni De Mesa .

Subalit hindi na aniya humingi ng permiso ang kalihim ng DA kaugnay sa kapasidad ng NFA sa pag aangkat , kundi tungkol sa pagkakaroon ng regulasyon sa merkado at makapah intervene sa merkado ng hindi na kailangang magdeklara ng emergency.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aamyenda sa Rice Tariffication Law na nagbibigay sa DA ng kapangyarihang magdeklara ng food security emergency sa bigas dulot ng kakulangan sa suplay o hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo, batay sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC).