Tulak

P400K shabu nakumpiska sa suspek na tulak

Edd Reyes Jan 21, 2025
16 Views

HALOS P400,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa natiklong tricycle driver noong Martes sa Taguig City.

Nahuli ang suspek na si alyas Rogel bandang ala-1:50 ng madaling araw ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig police matapos pagbentahan ng P6,500 na halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. Ususan, Taguig City.

Tiklo ang suspek at nakumpiska rin ng mga pulis ang 54.6 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P371,280.

“This operation is a testament to our unwavering resolve to protect the lives and futures of our citizens. We will not falter in our fight against illegal drugs and related crimes,” pahayag ni Southern Police District director BGen. Manuel Abrugena.

Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.