Trapiko

7-4 work skedyul ng mga gov’t employees. maliit ang maibibigay na solusyon -Valeriano

Mar Rodriguez Jan 21, 2025
18 Views

PARA kay Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano bilang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development. Ipinapalagay nito na maliit lamang ang magagawa ng ipinapanukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maibsan ang matinding trapiko sa Kalakhang Maynila.

Gayunman, sinabi ni Valeriano na wala naman siyang nakikitang masama kung susubukan ang ipinapanukalang 7:00 am to 4:00 pm work schedule ng mga empleyado ng pamahalaan na naglalayong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila partikular na sa EDSA.

Ayon kay Valeriano, bagama’t hindi pa naman tuluyang ipinapatupad ng MMDA ang kanilang ipinapanukala o isang experimento. Subalit makikita lamang umano kung epektibo ang 7-4 work schedule sa oras na makita na ang tunay na resukta nito.

Sa ngayon ay maituturing na “wait and see” pa lamang ang naturang panukala ng MMDA sabi pa ng kongresista sapagkat kinakailangan munang pag-aralan mabuti ang proyekto kasabay ng pagsang-ayon ng national government hinggil dito.

“Actually maliit lamang ang maitutulong nito. Subalit maari parin man subukan. ika nga wait and see tayo kung ito ba ay magiging epektibo para maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila lalo na sa EDSA,” wika ni Valeriano.

Ipinabatid pa ni Valeriano na maaari din subukan ng MMDA ang 10:00 am to 7:00 pm working schedule para sa empleyado ng pamahalaan bilanfg alternatibong solusyon.

To God be the Glory