Calendar
La Dy Pinky sasailalim sa maselan na operasyon, ipagdasal natin
ISANG magandang araw sa lahat, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang parte ng mundo.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Ipagdasal din natin si La Dy Pinky na sasailalim sa isang maselan na operasyon sa buwan ng Pebrero.
Binabati naman natin si Hiroshi Katsumata na walang sawang umaalay sa mga kababayan natin sa Japan.
Pagbati rin kina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Marilyn Yokokoji ng Ihawan, Glenn Raganas, Ate Venus ng Ihawan, Edwin Ramirez at kay Joann de Guzman at mga kasama diyan naman sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong opinyon at pagbati, mag-text lang sa: +63 9178624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.
***
Sa isang buwan pa ia-anunsyo ng Bureau of Treasury ang total revenue collection ng gobyerno nasyonal noong nakaraang taon.
Pero maraming naniniwala na nalampasan ng gobyerno ang kanyang 2024 revenue collection target base sa mga preliminary report.
“I think we achieved a16.5 percent revenue-to-GDP (gross domestic product) ratio, the highest in 27 years,” ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.
Ang tax collection ng Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay umabot ng P916.6 bilyon noong nakaraang taon.
Ayon sa preliminary data, ito ay 3.78 percent “growth from the 2023 haul.”
Nakamit ng BOC, ang pangalawang pinakamalaking tax collector ng bansa, “amid a slowing global inflation.”
Ang pagbagal ng inflation “lowered the base for the computation of import duties.”
Isa pa, binabaan ng gobyerno ang “tariff on rice imports to tame the domestic prices of the commodity” sa lokal na merkado.
Hindi naman kasi puwedeng pabayaan na tumaas ng tumaas ang presyo ng bigas dahil ito ang staple food ng mga Pinoy.
Pero kung tutuusin, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay kagagawan ng mga walang pusong negosyante.
Ito ang mga hoarder, profiteer at ibang mapagsamantalang negosyante.
Sa taong ito binigyan ng gobyerno ng P1.06 trilyon na revenue collection target ang BOC.
Mabigat ito, kaya umaasa tayo na higit pang pagsisikap ang gagawin ng mga taga-BOC para maabot ang target kasabay ng mga pagbabagong ipatutupad sa nasabing ahensiya.
Ito ay naglalayong mapaganda at mapahusay ang government service sa dating “snake-infested waterfront.”
***
Hindi dapat nagbabangayan ang gobyerno at pribadong sektor.
Dapat ay magtulungan, dahil walang mangyayari kung hindi maayos ang ugnayan ng dalawang sektor na ito.
Ang palaging nasa isip ng bawat isang Pinoy ay ang kapakanan ng bayan at mamamayan kahit marami tayong “differences.”
Ayusin natin ang ating mga problema sa pamamagitan ng “dayalogo” at hindi batuhan ng dumi at putik.
Marami tayong problema na dapat bigyang solusyon.
Tama ba, Pangulong Bongbong Marcos Jr.?
***
Palapit na ng palapit ang nasyonal at lokal na eleksyon.
Sa May 12 ay balik tayo sa mga poll precinct para pumili ng 12 bagong senador at mahigit na 300 miyembro ng Kamara de Representante.
Libu-libong local government officials naman ang iluluklok sa puwesto.
Ito ang mga gobernador, bise gobernador, board member, mayor, vice mayor at mga konsehal ng bayan at syudad.
Huwag tayong magsakitan dahil lang sa politika. Pagkatapos ng eleksyon ay balik tayo sa normal na pamumuhay.
Tatlong taon lang naman ang kailangang hintayin bago ang sausunod na halalan sa Mayo 2028.
Atupagin natin ang ating mga problema dahil walang buting ibubunga ang walang tigil na pamumulitika.
Ang bantayan natin ay kung paano magsilbi sa bayan ang mga mananalong kandidato.