Edd Reyes

Prov’l director ng R3 puspusan ang kampanya vs kriminalidad

Edd Reyes Jan 22, 2025
10 Views

PUSPUSAN ang kampanya laban sa kriminalidad, ng mga Provincial Director ng Region 3 upang hindi mapulaan ng kanilang bagong Regional Director na si P/BGen. Jean Fajardo.

Pero siyempre, kahit anong higpit pa ng kampanya ng mga Provincial Director sa Central Luzon, nakakalusot pa rin ang ilang ilegal na aktibidad dahil may mga taong nagbibigay sa kanila ng proteksiyon.

Dito nga lang sa nasasakupang lugar ni P/Col. Miguel Guzman sa Tarlac City, kahit anong higpit nila sa kampanya laban sa ilegal na sugal, nakakalusot pa rin ang mga saklaan at maging ang number at color games, dahil protektado umano sila nina alyas “Ricky” at alyas “Python”.

Dapat ay patiktikan na kaagad ni Col. Guzman sa kanyang mapagkakatiwalaang tauhan ang mga lugar na palihim na nilatagan ng ilegal na sugal tulad sa Brgy. Maliwalo, Brgy. San Miguel, Brgy. Sapang Tagalog, Bry. Tibagan, Brgy. Mabini, Brgy. Panampuan, Brgy. Lourdes, pati na ang Bayan ng Sta Ignacia at Victoria, na ang operator ay sina alyas “Charlie” at alyas “Quiros”.

Mga bangka at lambat, ipinamahagi sa mga mangingisda

LIBRENG bangkang pangisda at lambat ang tinanggap ng mga mangingisda sa Navotas City mula kay Mayor John Rey Tiangco na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-119 na taong anibersaryo ng lungsod.

Sabi ni Mayor Tiangco, 44 na rehistradong mangingisda ang magmamay-ari sa 22 bangkang gawa sa fiberglass na may sukat na 30-talampakan habang 925 na mangingisda na may sarili ng bangka ang kanilang binigyan ng libreng lambat upang lalu pa silang akapag-ambag ng malaki sa ekonomiya ng lungsod.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected].