Police

Kelot tiklo sa pagkatay ng ninenok na baka

Steve A. Gosuico Jan 23, 2025
32 Views

CABANATUAN CITY–Arestado ang lalaki na nagtangkang tumakas pero nahuli sa akto ng mga awtoridad na kinakatay ang baka na hindi sa kanya na nagkakahalaga ng P80,000 noong Miyerkules.

Construction worker na taga-Purok 1, Brgy. Laboy, Dipaculao, Aurora ang nahuling suspek, ayon sa mga pulis.

Dinakip siya ng mga rumespondeng pulis at mga barangay tanod nang tangkaing tumakas matapos mahuli sa akto habang nagkakatay ng bak na naiwan sa bukid sa Calle Vicente, General Tinio Junction, Brgy. Sumacab Sur ng syudad na ito.

Nagsumbong ang may-ari ng baka na si Arman De Luna, 51, na nagkakahalaga ng P80,000 ang kinatay na baka.

Kasong paglabag sa Presidential Decree No. 533 (Anti-Cattle Rustling Law of 1974) ang isinampa laban sa suspek sa tanggapan ng piskalya ng lungsod na ito.