Calendar
Speaker Romualdez sa mga negosyante sa Davos: PH mananatiling investor friendly
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga negosyante sa World Economic Forum (WEF) na patuloy na magsusulong ang Pilipinas ng isang business-friendly na klima sa pamamagitan ng legislative at regulatory reforms.
Sa breakfast meeting kasama ang Philippine delegation at mga top business executives, sinabi ni Romualdez na pangunahing layunin ng pamahalaan ang hikayatin ang pribadong sektor sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga suhestiyon at pag-aadjust ng mga polisiya.
“I wish to emphasize that a key objective of our engagement is to seek the private sector’s counsel and listen to your concerns,” ayon kay Speaker Romualdez.
Kabilang sa mga iprinisenta ng Finance Secretary Ralph Recto ay ang matatag na takbo ng ekonomiya ng bansa—kasama ang tuluy-tuloy na economic growth at mga inisyatibo para masigurong maramdaman ito ng mas maraming Pilipino.
Binigyang-diin din ni Romualdez ang CREATE MORE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) law na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre 2023.
Paliwanag niya, ang CREATE MORE ay naglalayong palakasin ang investment momentum sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas magandang tax incentives, pagpapadali sa proseso ng investment approval, at pag-streamline ng VAT rules para sa mas strategic na investments.
“The CREATE MORE law is a clear manifestation of a positive feedback loop, where the current administration has committed to significantly rationalize the investment framework and create a truly business-friendly investment climate,” dagdag pa niya.
Binanggit din ni Speaker Romualdez ang economic growth ng bansa — 5.5% noong 2023 at 5.8% sa unang siyam na buwan ng 2024 — pangalawa sa pinakamabilis sa buong ASEAN. Bumaba rin ang inflation sa 3.2% noong 2024, patunay sa dedikasyon ng gobyerno sa macroeconomic stability.
Ipinagmalaki rin niya ang Maharlika Investment Corporation, ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas, na naglalayong makapagbigay ng strategic investments sa mga sektor tulad ng energy security, digital infrastructure, at agro-urbanism.
“We are cognizant that we cannot go it alone, so for this reason, an important objective for the Fund’s future is to pursue co-investments with the private sector, including foreign investors,” sabi ni Romualdez.
Sa usapin ng sustainability, inilahad niya na mula nang payagan ng gobyerno ang full foreign ownership ng renewable energy projects noong 2022, umabot na sa 141 ang naaprubahang proyekto na nagkakahalaga ng USD 70 billion.
Habang naghahanda ang Pilipinas na pamunuan ang ASEAN sa 2026, naniniwala si Romualdez na patuloy na magiging sentro ng kalakalan ang bansa.
“Manila was once the fulcrum of global commerce through the Manila-Acapulco Galleon trade, and in 2026, we hope to continue to be a ‘BRIDGE’ in Building Resilient, Inclusive, Digital, Green Economies for all our partners,” aniya.
Tiniyak rin niya na patuloy na magiging bukas ang gobyerno sa multi-stakeholder engagement upang mas lalong mapino ang economic agenda ng bansa.