Leyte

Magnitude 5.8 na lindol tumama sa Southern Leyte

Zaida Delos Reyes Jan 23, 2025
14 Views

NIYANIG ng 5.8 magnitude na lindol ang Southern Leyte noong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa report, dakong alas-7:45 ng umaga naitala sa 5.9 magnitude ang pagyanig na kalaunan ibinaba sa 5.8 dakong alas-8:22 ng umaga.

Sa ulat ng Phivolcs, naramdaman ang sentro ng lindol sa San Francisco, Southern Leyte. Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 14 na kilometro.

Naramdaman ang magnitude 6 na lindol sa San Francisco, Southern Leyte; Intensity 5 sa Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Padre Burgos, Pintuyan, San Juan at San Ricardo, Southern Leyte.

Umabot sa intensity IV ang naramdaman sa Abuyog, Bato, Baybay City, Hilongos, Hindang at Inopacan, Leyte; Bontoc, Limasawa, Maasin City, Macrohon, Malitbog, Saint Bernard, Silago, Sogod at Tomas Oppus, Southern Leyte.

Intensity III ang naramdaman sa Cebu City, Alangalang, Albuera, Barugo, Burauen, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, Javier, Julita, Kananga, Macarthur, Mahaplag, Mayorga, Merida, Palo, Santa Fe, Tanauan at Tolosa sa Leyte at Surigao City.

Intensity II ang naramdaman sa Babatngon, Isabel at Palompon, Leyte at Cagayan de Oro City.

Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershocks ang lindol at mayroon ding naitalang pinsala sa mga lugar na naapektuhan nito.