Negosyante natangayan ng P1M cash, P3M alahas

19 Views

TINANGAY ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang mahigit P4 milyon cash at mga alahas sa bahay ng 49-anyos na businesswoman sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-12:51 ng hapon nang madiskubre ng biktima na nawawala na ang P1 milyon cash at mga mamahalin niyang alahas na nagkakahalaga ng P3 milyon sa loob ng vault.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Alexiss Mace Jurado, gagamitin na sana ng biktima ang kanyang mga alahas nang matuklasan niyang nawawala na ang mga ito pati ang pera na humigit-kumulang sa P1 milyon na nasa vault.

Dahil dito, agad na inireport ng biktima ang insidente sa mga mga awtoridad kaya nagsagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng krimen ang mga operatiba ng CIDU sa pangunguna ni P/Lt. Pascual.