Calendar
PBBM, DFA, DMW pinuri sa paglaya ng 17 Pinoy seafarers
IPINAHAYAG ni Senador Joel Villanueva ang kanyang pasasalamat sa matagumpay na pagpapalaya sa 17 Filipino seafarers na binihag ng mga Houthi rebels sa Yemen mula noong Nobyembre 2023.
Pinuri ni Villanueva ang mga diplomatikong pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas, gayundin ang mahalagang papel na ginampanan ng Oman, upang masiguro ang ligtas na pagbabalik ng mga seafarers.
“We express our sincere gratitude to the government of Oman and His Majesty Haitham bin Tarik for tirelessly mediating for peace in the Middle East and for the release of our 17 kababayans who were held hostage by Yemen’s Houthi rebels since November 2023. This is a testament of the unwavering diplomatic efforts of President Bongbong Marcos through the Department of Foreign Affairs (DFA) and Department of Migrant Workers (DMW),” ani Villanueva.
Binigyang-diin ng senador na ang pagkakatatag ng Department of Migrant Workers (DMW), isang batas na kanyang inisponsoran at isinulong sa Senado, ay naging mahalaga sa pagresolba sa krisis.
“Back in 2023, we called on our government agencies to secure the safety and freedom of these brave Filipino seafarers, and today, we are grateful to see those efforts come to fruition. The establishment of the DMW, which we principally sponsored and authored in the Senate, has proven to be instrumental in ensuring faster and more efficient services to our OFWs in crisis situations,” dagdag pa niya.
Nagbigay din ng mensahe si Villanueva sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), at binigyang-diin ang kanyang dedikasyon para sa kanilang kapakanan. “Sa atin pong mga OFW at kanilang mga pamilya, hangad po namin ang inyong patuloy na kaligtasan at proteksyon. Asahan po ninyo na ipagpapatuloy natin ang ating serbisyo para sa inyong kapakanan.”
Ang pahayag ng senador ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga internasyonal na kaalyado at ahensya ng Pilipinas sa pagtugon sa mga krisis na may kinalaman sa OFWs, at ipinakita ang determinasyon ng pamahalaan na unahin ang kanilang kaligtasan at kapakanan.