Calendar
Speaker Romualdez pinuri pagtiyak ng US sa ‘bakal’ na ugnayan sa PH
IKINAGALAK ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtiyak ng bagong United States Secretary of State na si Marco Rubio na magpapatuloy ang kanilang matibay na pakikipagtulungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni US President Donald Trump.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang sinabi ni Secretary Rubio kay Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nang mag-usap sila sa telepono noong Huwebes ay nagpapakita ng matibay na alyansa ng Amerika at Pilipinas, na nagsisilbing pundasyon ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific.
“Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial time when our shared values and mutual interests face serious challenges in the region,” ani Speaker Romualdez.
Pagtataguyod ng diplomatikong solusyon sa WPS
Ayon kay Speaker Romualdez, napapanahon ang ginawang pagtiyak ni Secretary Rubio sa gitna ng nananatiling tensyon sa West Philippine Sea (WPS), partikular na ang kamakailang presensya ng pinakamalaking barko ng China Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryo.
Nagsagawa naman ang Pilipinas at US aircraft carrier na USS Carl Vinson ng magkasanib na pagsasanay pandagat sa lugar na nagpapakita ng kahalagahan ng estratehikong kooperasyong pangdepensa.
Sa kabila ng patuloy na tensyon, iginiit ni Speaker Romualdez na ang diplomasya ang dapat manatiling pangunahing daan sa paglutas ng mga alitan sa WPS.
Kumpiyansa rin ang pinuno ng Kamara na, gaya ng unang termino ni Trump bilang pangulo, mangingibabaw ang pagsusulong ng dayalogo sa mga bansang may matagal nang alitan sa Estados Unidos at magbibigay gabay sa mapayapang paglutas ng mga alitan at may benepisyo para sa lahat ng panig.
“President Trump has demonstrated an ability to bring adversaries to the negotiating table, paving the way for meaningful dialogue and constructive solutions. This approach offers hope that tensions in the West Philippine Sea can be addressed peacefully, with respect for international law and mutual cooperation,” ayon kay Speaker Romualdez.
Habang kinikilala ang pangangailangan para sa pagpapalakas ng alyansa, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang pagtangkilik ng Pilipinas sa isang malaya at independiyenteng patakarang panlabas.
“Our focus remains on safeguarding our sovereignty and securing the welfare of our people. At the same time, we recognize the importance of working with allies who uphold the rule of law and respect international norms,” diin pa nito.
Binigyang-diin ng kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte ang kahalagahan ng multilateral na pakikilahok sa paglutas ng mga sigalot.
“Through inclusive discussions and adherence to the 2016 arbitral ruling, we can build a foundation for lasting peace and stability in the Indo-Pacific,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Pagpapatibay ng kolaborasyon sa lehislatura
Ipinunto pa ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng kolaborasyon sa lehislatura sa pagtugon sa mga hamong kapwa kinakaharap sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Iminungkahi niya ang pagsisimula ng bilateral legislative talks kasama ang mga mambabatas ng Estados Unidos na nakatuon sa kooperasyong pangdepensa, mga oportunidad sa kalakalan, pagpapanatili ng kalikasan, at mga balangkas para sa panrehiyong seguridad.
“Legislative bodies play a critical role in shaping policies that protect our nations and promote mutual prosperity. The Philippine Congress is ready to work closely with its U.S. counterparts to advance initiatives that benefit our people and strengthen regional stability,” wika pa ni Speaker Romualdez.
Sinabi niya na ang inisyatibang ito ay naaayon sa muling pagpapatibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, na binibigyang-diin na ang ugnayang ito ay nananatiling mahalagang haligi ng seguridad ng Pilipinas at pangunahing tagapagtaguyod ng kapayapaan sa rehiyon.
“The alliance between our two nations is not just a matter of historical ties—it is a strategic necessity in facing the complex challenges of our time,” ayon sa kamakailang pahayag ni Pangulong Marcos.
Kinikilala rin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng legislative diplomacy sa pagpapatibay ng tiwala at pag-unawa sa pagitan ng mga bansa.
“Bilateral legislative talks provide an opportunity to bridge gaps and create frameworks for sustainable cooperation. By working together, we can develop innovative solutions to pressing global issues,” saad nito.
Parehong pananaw para sa kapayapaan
Sa kabila ng lumalalang tensyon sa rehiyon, ipinahayag ni Speaker Romualdez ang pag-asa na ang mga diplomatikong hakbang ng administrasyong Trump, na pinangunahan ni Secretary Rubio, ay magdudulot ng mapayapang solusyon sa mga hindi pagkakasundo.
Gayundin ang pagpili ng pamahalaan ng Pilipinas sa dayalogo at positibong pakikisalamuha kaysa sa sagupaan.
“The challenges we face today demand collective action and a renewed commitment to diplomacy. Wars must always be the last resort, and nations must prioritize mutual respect, understanding, and collaboration,” pahayag pa ng mambabatas.
“As we navigate these uncertain times, let us work together to create a world where diplomacy prevails over division, dialogue triumphs over discord, and partnerships are built on mutual trust and shared aspirations. The Philippines stands ready to contribute to this global peace and stability vision,” ayon pa kay Speaker Romualdez.