Groundbreaking

Mayor Honey, VM Yul nanguna sa groundreaking ng bagong Kalinga building

Edd Reyes Jan 24, 2025
20 Views

GroundbreakingPINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang groundbreaking ng itatayong 10-storey building ng “Kalinga sa Maynila Center” noong Biyernes sa Paco, Manila.

Gugugulan ang Phase 1 ng Kalinga Center ng P400 milyon habang P573. 3 milyon ang nakalaan sa Phase 2.

Aabot sa P973. 3 milyon ang pondo ng Maynila sa pagpapatayo ng gusali.

Inaasahang matatapos ang Phase sa Disyembre 2025 at sisimulan naman ang bidding ng Phase 2 sa Pebrero 2025.

“We did not incur any debt for this. We did not enter into any bank loans to finance this Kalinga Center. This is your taxes flowing back to you as services and infrastructure.

With these groundbreaking rites for the Kalinga Center, we also set in motion the modernization of the social services that will take place in its modern facilities,” sabi ni Lacuna.

Magkakaroon ang 10-palapag na gusali ng tanggapan ng Senior Citizens Affairs Office, Youth Center, Crisis Center for Women and Children, Trabaho Center, library, Bahay ng Barangayan Center, multipurpose convention center at performance art theatre.

“Our architects carefully studied the Kalinga Center and decided to make it a 10-storey building to accommodate more seniors, youth, job seekers and women experiencing crises.

Ang Kalinga sa Maynila Center itatayo sa kasalukuyang lokasyon ng Manila Skate Park. Pero huwag mag-alala ang mga minamahal nating skateboarders, roller skaters, rollerbladers, at BMX riders—isang bago at mas pinahusay na Manila Skate Park ang itatayo sa Paraiso ng Batang Maynila, sa tapat ng Manila Zoo, kung kaya’t mas accessible sa lahat,” pagtiyak ni Mayor Lacuna.