Calapan

Calapan, DA may MOA para agrikultura umarangkada

26 Views

PUMIRMA ng memorandum of agreement (MOA) ang Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization at Calapan City para sa “Rice Competitiveness Enhancement Fund-Mechanization Component” noong Enero 23 sa Calapan City Hall.

Sa pamumuno ni Mayor Marilou Flores-Morillo, nagkasundo ang dalawang entities sa kasunduan ng pagpapatupad ng naturang proyekto.

Nakapaloob sa MOA ang mga tungkulin at responsibilidad ng magkabilang panig sa pagsasakatuparan ng proyektong pang-agrikultura.

Sa pamamagitan ng kasunduan, inaasahan na patuloy na mararamdaman ng mga Calapeño ang malakas na pag-arangkada ng kaunlarang hatid ng sektor ng agrikultura.