MPD Sinabi ni P/Lt. Col. Nelson Cortez sa mga barangay officials na dapat panatilihin ang katahimikan at kapayapaan sa Zone 80, Ermita, Manila habang nag-iikot ang kapulisan kasama ang mga kagawad at tanod sa Brgy. 735 Malate, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

MPD-Ermita residents nag-ugnayan ukol sa hinaing, kriminalidad

Jon-jon Reyes Jan 25, 2025
36 Views

NAKIPAG-ugnayan ang mga pulis ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 sa mga punong barangay at mga tanod upang pag-usapan ang mga hinaing at kriminalidad sa Muñoz at Anakbayan Sts. sa Malate, Manila noong Sabado.

Hiniling sa mga barangay opisyal na panatilihin ang magandang pakikisama sa mga kapulisan upang maiwasan ang karahasan.

Sinabihan ang mga residente na pwede silang makipag ugnayan sa pinakamalapit na presinto na pinamumunuan ni P/Major. Val Valencia

Dapat paiiralin pa rin ang curfew para sa mga kabataan at mga nag iinuman sa mga kalye, ayon sa mga pulis.

Kabilang sa mga dumalo sa ugnayan sina Punong Barangay Alfredo Tan, mga barangay council members na sina kagawad JonJon Reyes, Rijed Buenazedacruz, Melchor Nava, Alfredo Tan Jr., Joemar Sualog, Ryan Lugos, Jomarie Vicinte at P/Lt. Col. Nelson Cortez.