Calendar
8 online phishing syndicate members nasakote ng NBI
INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang 8 Chinese nationals sa Parañaque dahil sa online phishing operations kamakailan.
Nag-ugat ang kaso ng 8 sa ulat na sangkot sila sa pandaraya sa pamumuhunan, crypto asset/currency scam, romance scam, pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng social engineering scheme at digital communication scheme.
Noong Enero 14, isang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) ang ipinagkaloob ng Paranaque City regional trial court laban sa Hwang Xiaobin.
Natagpuan ang mga laptop at desktop sa opisina ng 8. Natagpuan din ang mga transaksyong pinansyal ng mga scam sa crypto currency sa panahon ng pagsusuri.
Dahil dito nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 (Computer Related Forgery) sa mas kilala bilang “The Anti Financial Account Scamming Act (AFASA)” sina Xiaobin, Xiao Li, Chuan Zi Gao, Ming Ru Li, Wen Shu Liu, Qui Shun Li, Cai Li Pan, Changfu Liu at Zhang Zhen Hong sa Parañaque City.
Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang mga ahente ng NBI sa matagumpay na operasyon.