Calendar
BOC tuloy kampanya vs katiwalian, korapsyon sa gobyerno
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa, maging sa ibang bansa, lalo na sa Japan at Oman.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Tata Yap Yamazaki, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kasangga ng mga Pinoy sa Japan si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
Panalangin naman ang ating hiling para kay La Dy Pinky na sasalang sa isang maselan na operasyon sa Pebrero.
Nawa’y gabayan ng Panginoong Diyos ang mga doctor na magsasagawa ng procedure.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Sa taong ito, patuloy na magpapatupad ng mga repormang magpapalakas sa kampanya para i-uphold ang accountability at integrity sa Bureau of Customs (BOC).
Ito ay alinsunod sa kampanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. laban sa katiwalian at korapsyon sa gobyerno.
Hindi lang ‘yan. Ito ay in line din sa nation-building program ng Marcos administration, na magtatapos sa June 30, 2028.
Mula 2023 hanggang 2024 ay inimbestigahan ng BOC ang 120 nitong tauhan sa ilalim ng internal reform program.
Dahil sa mga imbestigasyon, 14 customs personnel ay pinatawan ng tinatawag na “preventive suspension.”
Naghain din sa Department of Justice (DOJ) ang ahensya ng mga kasong kriminal laban sa mga taong sangkot sa illegal activities.
Ayon pa sa ulat, 135 katao ang kinasuhan, “with the BOC securing 25 convictions.”
Ang mga nasentensiyahang lingkod-bayan ay napatunayang sangkot sa illegal importation ng iba’t ibang produkto.
“We are committed in fighting corruption every step of the way,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
At ayon pa kay Commissioner Rubio, ang publiko “can count on us to make Customs an agency they can trust.”
“BOC not only improves its services but also contributes to President Marcos’ vision of corruption-free government.”
Layon ng gobyerno ni Pangulong Marcos na pagsilbihan ang taumbayan “with integrity and professionalism.”
Malaki ang naitutulong ng BOC sa pag-unlad ng bayan at mamamayan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkolekta ng tamang buwis at taripa sa mga dumarating na imported goods, kabiilang na ang bigas.
***
Maliban sa pangongolekta ng buwis, aktibo rin ang Bureau of Customs (BOC) sa pangangalaga sa kalusugan ng publiko.
Hindi ito papayag na makapasok sa bansa ang mga produktong makasasama sa kalusugan ng taumbayan.
Lalo na ang mga iligal na droga, kasama ang vape products.
Kamakailan nga ay sinira ng ahensya ang 159,839 pirasong vape products na nagkakahalaga ng mahigit P34 milyon.
Kinumpiska ng BOC ang mga produkto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11900 at Customs Modernization and Tariff Act.
Ang condemnation ng mga vape products ay isinagawa in close coordination sa Auction and Cargo Disposal Division, ESS at CIIS.
Ang pagsira sa vape products ay alinsunod sa programa ni Pangulong Marcos na protektahan ang public health at national interest.
Sinabi naman ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na napakahalaga ang close coordination ng mga ahensya ng gobyerno.
Tama naman si Collector Mapa dahil kung hindi magtutulungan ang state agencies ay hindi magtagumpay ang mga programa ng gobyerno.
***
Sa Sabado ay unang araw na ng Pebrero.
Malapit ng magsimula ang campaign period para sa May 12 mid-term national and local elections.
Umpisa kasi sa Pebrero 11, puwede ng mangampanya ang senatorial candidates at party-list organizations, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sana naman walang kandidatong hihingi ng election campaign fund sa mga opisyal at tauhan ng BOC.
Kawawa naman ang mga kaibigan nating nagtatrabaho sa aduana.
Tapos na ang panahon na BOC ang hingian ng campaign funds ng mga kumakandidato.