Mag-ingat sa pagdaan malapit sa Mt. Kanlaon–CAAP
May 13, 2025
LANDSLIDE PANALO
May 13, 2025
Calendar

Metro
BI agents hinarang 2 Tsino dahil sa pekeng exit clearance
Jun I Legaspi
Jan 27, 2025
143
Views
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals noong Enero 24 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa pekeng exit clearances.
Sinabi ni Dennis Javier, pinuno ng BI NAIA 3, na naharang sina Wang Changru, 53, at Cui Wen, 33, bago sumakay sa Cathay Pacific Airlines flight patungong Hong Kong dahil sa pekeng dokumento.
Natuklasan na overstaying sila dahil dumating sa bansa noong 2019 pa.
Pero nagprisinta sila ng emigration clearance certificates (ECC) na umano’y inilabas nitong Enero 23 at nagsasabing pinahihintulutan silang manatili sa bansa hanggang Pebrero.
Nakumpirma kalaunan na peke ang ipinakitang ECCs kaya’t agad na inaresto ang dalawa.
Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold
May 13, 2025
Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025
May dalang paltik, inaresto
May 12, 2025
Mayor Honey determinado na ipagpatuloy ang trabaho
May 12, 2025