Calendar
MIC suportado sa strategic stake sa NGCP
MATINDING suporta ang ipinahayag ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa desisyon ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na makakuha ng 20% stake sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa Synergy Grid and Development Philippines Inc. (SGP) na ayon sa senador ay para sa ikabubuti ng bansa..
Inilarawan niya ang hakbang na ito bilang isang kolaboratibong pagsisikap upang palakasin ang partisipasyon ng pamahalaan sa mga kritikal na imprastruktura.
“This partnership between MIC and SGP provides a unique opportunity to strengthen transparency and oversight in the energy sector. It also reinforces our collective commitment to safeguarding the country’s energy security,” ayon kay Gatchalian sa kanyang pahayag.
Binanggit din ng senador ang mga posibleng benepisyo ng kasunduan, at binigyang-diin ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala at pananagutan sa NGCP. “Efforts must be focused on the timely construction of transmission projects to ensure adequate and affordable power for the Filipino people,” aniya.
Ang pagkuha ng bahagi ng NGCP ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaan upang siguruhin ang maayos na suplay ng enerhiya at pagbutihin ang imprastruktura ng transmisyon sa bansa.
Sa kanyang pahayag, inihayag din ni Gatchalian ang pangangailangan ng maayos na pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makamit ang pangmatagalang enerhiya na matibay at maaasahan.
Ang National Grid Corporation of the Philippines ang nagpapatakbo ng transmisyon ng kuryente sa bansa, na mahalaga sa pagtiyak ng maayos na distribusyon ng kuryente sa buong Pilipinas.
Layunin ng pamumuhunan ng MIC na tugunan ang matagal nang mga isyu sa sektor ng enerhiya, kabilang na ang mga pagkaantala sa mga proyekto sa transmisyon at ang patuloy na pagtaas ng halaga ng kuryente.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, hinikayat ni Senator Gatchalian ang lahat ng stakeholders na magkaisa upang mapakinabangan nang husto ang potensyal ng partnership sa isat isa.
“With transparent governance and a shared goal of energy security, this collaboration can pave the way for more reliable and affordable energy for all.” ani Gatchalian.