Tanauan

Binata,20, lumangoy sa Taal Lake, nalunod

24 Views

ISANG 20-taong gulang na lalake ang nalunod habang lumalangoy sa Taal Lake, Brgy. Wawa, Tanauan City, Batangas.

Ang nasawi ay kinilala ng mga pulis Tanauan na si alias John Mark, binata, walang trabaho, at residente ng Bawi St., Tramo 2, San Dionisio, Paranaque City, Metro Manila.

Isang tawag sa telepono mula sa mga kawani ng Laurel Memorial District Hospital ang natanggap ng mga otoridad at iniulat ang insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong 4:15 ng hapon, January 26, 2025, nang makita ang biktima kasama ang mga kaanak ay na naliligo sa gilid ng nasabing lawa.

Ilang sandali pa at nakita ng mga kasama na lumalangoy ang biktima patungo sa malalim na bahagi ng lawa. Ilang minuto lang ay napansin nilang kumakawag na ito at tuluyang naglaho.

Kaagad kumilos ang mga kaanak at naisalba ang wala ng malay na binata na agarang isinugod sa ospital.

Bandang 4:20p.m. ng parehong petsa, idineklara ni Dr. Nicanor Reyes, ang attending physician, na ang biktima ay patay na nang dumating sa pagamutan.