Libing Source: PNA

Kahalagahan ng marangal na libing sa kapus-palad idiniin

29 Views

ISINUSULONG ni Senator Raffy Tulfo ang pagpasa ng Senate Bill No. 2965, na mas kilala bilang Free Funeral Services Act, sa plenary session nitong Martes, Enero 28, 2025.

Bilang isa sa mga co-author ng panukala, binigyang-diin ni Tulfo ang kahalagahan ng pagbibigay ng marangal na seremonya para sa lahat ng Pilipino anuman ang kanilang estado sa buhay.

“Through this measure, we affirm our commitment to upholding human dignity—not just in life but also in death. By covering funeral expenses for those most in need, we alleviate financial hardships and allow the families to focus on what truly matters: honoring the lives of their departed loved ones,” ani Tulfo.

Layunin ng panukalang batas na magtatag ng sistema kung saan ang mga accredited na funeral establishment, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay magbibigay ng libreng pangunahing serbisyong panglibing sa mga mahihirap na pamilya.

Binanggit din ni Tulfo na may mga probisyon sa panukala para maiwasan ang pang-aabuso at para matiyak ang patas na reimbursement para sa mga funeral service provider.

“It is a balanced approach that guarantees sustainability while fulfilling our duty to protect the most vulnerable sectors of society. I respectfully urge my colleagues to support this measure,” ani Tulfo.